Martes, Abril 12, 2011

My Poem : "BROWNOUT"

Brownout!
ni: Donie Alvon M. Mañosa

Kapag ika’y lumalakad, lahat tumitingin
‘wag daw kitang kausapin kasi’y isnabera ka
kakausapin ma’y, tataasan lang ng kilay
makikipagkaibigan lang sana, sige na….

Kinausap ko lang akala mo kung sinong artista
pakiramdam niya’y ang haba ng buhok niya, eh ang haba naman talaga!
Gusto ko sanag manligaw, kaya lang baka bastedin
kung sasagutin ma’y baka paglaruan lang
kawawa naman ang totoy na ‘to.

Pinagbigyan la’ang kumagat agad;
huwag mo na lang daw sunduin kasi busy
yun pala, kasama ang mga lalaki sa kanto.
Ganyan lang daw talaga siya, habulin ng mga lalaki
Eh parang aso pala siya, kahit sino basta lalaki puwede.
Ano ang magiging kalalabasan niya? Amazing Aloha?

Pinag-aagawan lang ng mga lalaki, akala niya si Christine Reyes na siya,
Pero hindi lang daw siya si Christine, kundi ala Venus Raj pa raw siya.
Ano siya hilo?! Major major beauty queen? Hoy?! Di ako uto-uto!
Oo, maganda nga siya pero ugali naman niya parang si Clara,
Parang bang hindi ko pa alam na may marami siyang ….
 
Kung may manliligaw sa kantina, may nag-aabang naman sa labas ng eskwelahan.
Natural lang daw talaga yan, kasi maganda siya.
Hay naku?! Ba’t ba naging maganda pa siya?
Ayan tuloy, nagkakandarapa ang mga lalaki sa kanya,
Nauubos tuloy ang mga kard sa SM City at Robinsons
Daig pa niya si Santa Claus sa dami ng mga sulat tuwing pasko.

Hay naku?! Ano ba naman ito,
Pati ba naman sa facebook at twitter ang dami niyang followers
Talaga bang ganyan siya?
Kinakausap pero ayaw namang sumagot.
Talaga naman Oo!!!
Pesteng buhay to….! Brownout! Wala pa namang akong UPS,
‘Yan tuloy hindi ko na matatapos itong Tomb Raider,
Ang ganda pa naman niya.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento